Ako ay si faith
Ako ay si Faith, 21 gulang at ipinanganak noong ika-22 ng Marso taong 1989. Ang aking mga magulang ay si Jose at Anna. Panganay ako sa aming anim na magkakapatid. Ang pangalan nila ay sumusunod: Ellison, Alex, Joshua, Joanna, Micah.
Nag-aaral ako sa pamantasan ng De La Salle, Dasma at kasaslukuyang kinukuha ang kursong BSE Bachelor in Secondary Education, Major in Filipino.
Isa akong misyonero ng Diyos. Isa akong Youth for Christ. Dahil dito natutunan kong magmahal ng tao. At mas nakilala ko ang aking may likha.
Isa akong magulo, makulit, mabait, ngunit tahimik na bata. Maraming pangarap at may malawak na pananaw sa buhay. Mahilig akong gumawa ng mga bagay na hindi ko pa nagagawa. Masaya ako sa buhay na mayroon ako ngayon. At gayun din hangad ko ang magkaroon ng mas masaya pang hinaharap.





